Relaks, its just PAG-IBIG! β€οΈ

  
Hi there! Bago ko simulan nais kong magpakilala muna! HAHAHA! Game?

Ako nga po pala si Charmie Mei P. Paredes. Ginawa ko po itong blog site na ‘to dahil sa nainspire ako sa blog site ni Ms. Yeng Constantino. 😊 Thanks Ms. Yeng! 😊

Ayan, bakit nga ba Relaks, its just PAG-IBIG? Dahil kagaya po ng karamihan sa atin may kanya-kanyang tayong kuwento patungkol sa tinatawag na pag-ibig. Yung iba na-FRIENDZONE, M.U lang, FRIENDS WITH BENEFITS, na-TWO TIME, INIWAN, etc… Masakit db?

Oo alam ko yung pakiramdam dahil minsan na din sa buhay ko naranasan kong NABIGO ng tinatawag na PAG-IBIG. Hindi ako naipaglaban ng taong mahal ko, masakit db? HAHAHA. Pero wala na yun. Salamat sa Diyos at nahilom na ako! Naaaaaaks! Ang corny! HAHAHAHAHA.

Ang masasabi ko lang, oo nabigo ka ng pag-ibig pero huwag kang humintong mag mahal. Dahil hindi lahat ng lalake, kagaya ng karamihan, hindi lahat ng babae, kagaya ng karamihan, may mga endangered species pa tayong tinatawag. Maniwala sa GOD’S BEST. Ipagdasal mo yung taong ibibigay sayo ng Lord. At habang inaayos mo yung nabigo, nawasak, at nalugmok mong puso, ilapit mo sarili mo kay Lord. Siya lang may kakayahang ayusin yan! Si Lord muna, si Lord dapat! Huwag ka mag alala sa nabigo mong puso, balang araw magmamahal ka ulit na buo ka na! 😊 Basta unahin mo si Lord sa lahat ng gagawin mo, sa buhay mo. 😊 Ayos ba? Malinaw na? Very good! Ayos! Apir! 😊