Paano mainlove ang Kristiyanong Babae? ๐ŸŒธ

Someone PMed me and asked me this question, “Paano mainlove ang Kristiyanong Babae?”

Medyo napahinto ako at napaisip. Ang sagot ko, “rooted ba yan o simpleng kristiyano lang?” (#RealTalk: may dalawang klase kasi ng kristiyano, kristiyano sa gawa at yung isa naman, kristiyano sa pangalan lang) kaya yan po ang reply ko.

Sagot niya, “rooted christian”, 

   

Paano nga ba mainlove ang isang rooted christian (kristiyano sa gawa), di yan basta-basta nagpapakita ng motibo. Tahimik lang yan, nagtatago ng feelings at nagppray! Kapag ang kristiyano sa gawa na babae nainlove, tatakbo yan sa Lord. Si Lord ang mentor niyan sa pag-ibig, hindi yung emosyon niya at ibang tao. 

Kapag naman simpleng kristiyano lang (kristiyano sa pangalan), mahahalata mo agad! Medyo showy! Careless kumilos, laban lang ng laban. Di muna pinag iisipan yung move na gagawin niya. Puro emosyon lang pinapairal. 

Kapag ang babaeng gusto mong ligawan rooted. Aba! Mag isip ka, mag pray ka, mag fasting ka! HAHAHAHA! Kasi yan yung babaeng kuntento na sa pagmamahal ng Lord kumbaga para sa kanya isa kang BONUS o REWARD na matatanggap niya sa Lord.

Kapag ang babaeng gusto mong ligawan naman ay simpleng kristiyano lang, push mo yan! HAHA. Pag isipan mo din ng mabuti. Pag isipan mo kung makakatulong ba siya sayo sa pag grow mo spiritually and as a person or mag hihilaan lang kayo pababa.

Napansin ko kasi sa henerasyon natin ngayon, kadalasan ang downfall ng mga kabataan ay ang tinatawag na “PAG-IBIG”. Kapag nainlove na, nawawal na sa focus, nawawala na sa goal, nabibitawan ang calling, nawawala sa ministry…yan yung tinatawag na wrong timing o kaya wrong person. Kumbaga di pa hinog, pinitas mo na. 

Gaya nga ng sabi sa Song of Solomon 8:4 “Promise me, O women of Jerusalem, not to awaken love until the time is right.”

Kaya ang “PAG-IBIG” pinagdarasal yan, niluluhod yan sa Lord at pinag iisipan. Huwag lagi pairalin ang puso, lagi mo ring samahan yan ng utak. 

Para naman sa lahat ng babae na nagbabasa po nito, gusto kong malaman mo na YOU ARE WORTH PURSUING. Unahin mo munang mahalin at respetuhin ang sarili mo, maging masaya ka muna sa sarili mo, maging kumpleto ka at maging buo. Para kapag binigay na siya sayo ni Lord, BUO KA. Huwag kang mag madali, maniwala ka sa God’s Best. ๐Ÿ’๐ŸŒท๐ŸŒธ๐ŸŒผ

Psalm 37:4 “Take delight in the Lord and he will give You your heartโ€™s desires.” 

Abangan ang susunod na kabanata…๐Ÿ˜Šโ˜บ๏ธ๐Ÿ˜‰ To God be the Glory! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ™๐Ÿ‘‘

Advertisements

One thought on “Paano mainlove ang Kristiyanong Babae? ๐ŸŒธ

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s