Paano mainlove ang Kristiyanong Lalake? ๐Ÿ‘ฑ๐Ÿผ

Ito ang katuloy ng kuwento ko…โ˜บ๏ธ๐Ÿ˜‰

Shinare niya sa akin kung paano niya niligawan yung kristiyanong babae na gusto niya. Sinend niya sa akin yung draft. 

Sa totoo lang habang binabasa ko yung draft niya, mas nangibabaw sa akin yung tanong na “Paano mainlove ang kristiyanong lalake?”

Paano nga ba?  


Yan yung draft niya. Huwag kayong mag-alala, humingi ako ng permission sknya. Hahahaha. 

Anong masasabi mo? ๐Ÿ’ญ

Paano nga ba mainlove ang kristiyanong lalake? Kagaya ng sabi ko may dalawang klase ng kristiyano, yung isa rooted (kristiyano sa gawa) at yung isa naman simpleng kristiyano lang (kristiyano sa pangalan). 

Kapag nainlove ang rooted christian (kristiyano sa gawa) na lalake, he gets intentional. Ibig sabihin hindi lang siya yung lalake na puro pahaging lang o kaya paramdam lang, ito yung mga lalake na clear at pure ang intentions nila. Sila rin yung lalakeng tumatakbo muna sa Lord kapag nainlove, nagppray at humihingi ng confirmation. Hindi sila basta-basta gumagawa ng move hanggat walang GO signal ang Lord. Marunong silang mag-antay, marunong silang tumupad ng usapan at marunong silang rumespeto ng babae! ๐Ÿ˜‰ Sila yung lalake na kapag nanligaw alam mong hindi magiging suntok sa buwan ang magiging relasyon niyo kasi para sa kanya kapag niligawan ka niya he has the intention to marry you. Ito yung mga lalakeng pinaghahandaan ka kasi alam nila na hindi ka basta-basta. Ibig sabihin, ito yung mga lalake na may standards. 

E paano naman mainlove ang simpleng kristiyano (kristiyano sa pangalan) na lalake? Para sa akin sobrang halata ang pagkakaiba. Ang simpleng kristiyano na lalake parang naglalaro lang yan. Lahat sknya medyo!! Medyo maayos ang buhay, medyo mahal ka, medyo man of God, medyo seryoso sayo, medyo lingkod ng Panginoon, medyo matino, lahat medyo! Kumbaga, nasa prosesa pa! Hindi sigurado sa bawat desisyon niya, hindi sigurado sa bawat ginagawa niya, hindi sigurado kung ano talaga ang gusto niya. Sila yung mga lalake na di marunong manligaw ng tama. Dinadaan lahat sa flirt, kasi alam nila na ang babae madali lang lumabot ang puso. 

Kung ang nanliligaw sayo ay isang rooted christian (kristiyano sa gawa), aba! CONGRATULATIONS! Pero huwag ka namang o-OO agad. Ipag pray mo din. Humingi ka ng confirmation sa Lord. Saka mahalaga ding kilalanin mo muna ng mabuti. Huwag tayong magpapadala sa panlabas na katauhan, get to know the person deeper! Iba din kasi kapag kilala mo yung tao. Alright? ๐Ÿ˜Š

Kapag naman ang nanliligaw sayo ay simpleng kristiyano (kristiyano sa pangalan), pag isipan mo ng BONGGANG-BONGGA! HAHA! Please lang, huwag kang magpapadala sa emosyon mo! Haha. Hindi porke crush mo, o-OO ka na. Uulitin ko, utak muna bago puso. Test before you trust!! Alright? ๐Ÿ˜Š

Gaya nga ng sabi sa Song of Solomon 8:4 “Promise me, O women of Jerusalem, not to awaken love until the time is right.”

Siguro ngayon napapaisip ka, may lalake pa bang rooted christian (kristiyano sa gawa)? Ang sagot ko, OO!! Sa totoo lang hindi sila hinahanap, kusa silang darating sa buhay mo. Gaya nga ng sabi ko, sila yung mga lalake na may standards. Nag iisip din yang mga yan. Nag oobserve. Nagppray. 

Hindi mo sila madadaan sa pa-cute mo, pa-charming mo, pa-flirt mo or anything na gagawin mo para ma-win sila, kasi para sa kanila mahalaga ang approval ng Lord. 

Sa totoo lang mataas ang respeto ko sa mga lalakeng kagaya niya, kagaya ng iba sa inyo. Saludo po ako! Ipagpatuloy niyo po! Ihawa niyo po yung tamang standard ng panliligaw. ๐Ÿ˜Š 

Kayo po ang nagiging dahilan namin para maniwala sa GOD’S BEST! Kayo din po ang dahilan kung bakit tumitino ang ibang mga babae. Kayo din po ang dahilan kung bakit tumitino ang ibang mga lalake. Ipagpatuloy niyo po at ihawa niyo. 

Para sa bawat lalake na nagbabasa nito, if you do not have the intention to marry the girl, do not court her. Kaya mong mabuhay pansamantala na walang babae. Kaya mong maging masaya ng walang babae. Kaya mong ayusin yung buhay mo ng walang babae.

Take it easy, bro. God first! Take it slow! Kaibiganin mo muna. Ayusin mo muna buhay mo. Be financially stable, importante din yan. Mag plano ka muna bago ka gumawa ng move! ๐Ÿ˜Š

Mabuti pa siguro na habang nag aantay ka sa sagot sayo ng Lord, habang nag aantay ka ng confirmation, mag equip ka ng mga kabataang lalake na susunod sa yapak mo. Mga kabataang lalake na marunong rumespeto ng babae, nakukuntento sa pagmamahal ng Lord, nakakapag antay, at inaayos ang buhay.๐Ÿ‘ฑ๐Ÿผ๐Ÿ‘ฎ๐Ÿผ

Psalm 37:4 “Take delight in the Lord and he will give You your heartโ€™s desires.” 

PS: Sa aking kaibigan na nagbahagi ng kanyang kuwentong pag-ibig, SALAMAT! You inspire me to write and believe that there’s still God’s Best! Youre the man, Bro! God bless you! ๐Ÿ‘ผ๐Ÿผ

Advertisements

2 thoughts on “Paano mainlove ang Kristiyanong Lalake? ๐Ÿ‘ฑ๐Ÿผ

  1. The “simpleng kristiano” can always change. He can still be a good guy in the end. It also depends on the girl if she really want him, or not.

    Girls can change guys really effectively and theres a thousand way to flip a gentleman’s perspective.

    Sometimes you don’t really have an option if God is giving you the “simpleng kristiano” guy. But remember that there’s always a chance the he can change just for you. It’s up to you if you can change that guy.

    Respect

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s