Mount Pulag

   Di ko maiwasang hindi ipost to. Gusto ko lang magkuwento. Gusto ko lang maglabas ng saloobin ko. 😊

Sobrang amazed ako sa goodness ni Lord. Bago pa kami umakyat may warning na ang pag-asa sa bagyo though di naman affected ang benguet or somewhere dito sa norte pero sabi nila, iba daw kasi sa bundok, kahit maaraw sa baba, sa bundok bumabagyo na pala. Yung ibang team na umakyat bago kami, mga a week before kami, hanggang camp 2 lang sila, di sila nakatungtong ng summit kasi bumabagyo daw sa taas pero yung sa amin grabe!!!! Sobrang ganda ng weather. Sa totoo lang nung una di ko naappreciate kasi nabitin ako sa sea of clouds tapos sobrang hirap ng trail, almost 11hours na lakad parang gusto ko na lang sumuko pero ang iniisip ko yung summit, yung dahilan ng pag akyat ko kaya natapos ko, I reached the top. 🚩 Sobrang saya ko, yung pakiramdam na “wow!!!! Nakaya ko!!!” 11hours trekking tapos yung damit ko 4 na patong sa taas, 4 na patong sa baba, 3 patong na medyas kasi sobrang lamig daw sa taas, sobra nga!!! Haha.

Yung disappointment ko napalitan ng amazement!!! Iba talaga gumalaw si Lord para sobra mong ma-appreciate yung goodness niya. Pag kauwi namin saka bumagyo, saka umulan, saka pumangit yung weather. Ngayon sobra akong amazed. Yung pakiramdam na naman na ang spoiled ko sknya. Iba ka talaga Lord. Ang galing galing galing mo!!! 
Dahil sa pag akyat ko, madami akong natutunan, madami din akong realizations, bumaba ako na may bitbit na excitement kasi alam ko pag uwi ko ng Ilagan may panibagong testimony na naman akong maish-share sa mga kabataang may pangarap sa buhay, may pinagdadaanan sa buhay, gusto ng tagumpay, natitisod, gusto umusad, nawawala, nahihirapan pero lumalaban. 

I have kept the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. 2 Timothy 4:7